Bagsak sa kulungan ang  apat na lalaki na kinabibilangan ng isang menor de edad, makaraang  mahuli sila sa akto ng mga tauhan ng barangay na sumisinghot ng shabu sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang kinakaharap na kaso nina Yuki Bonita, 28; Arvan Delfin, 19; Ferdinand Parungo, 21; at ang binatilyo na itinago sa pangalang “Robert”, 17, na pawang naninirahan sa Barangay 12, ng nasabing lungsod.

Kuwento ng executive officer na si Antonio Roquite, bandang 4:30 noong Biyernes hapon, may nag-report sa kanila na  nagpa-pot session ang mga suspek sa loob ng Kamada Compound sa Barangay 12, Caloocan City.

Mabilis na nagresponde ang grupo ni Roquite sa nasabing lugar at dito naaktuhan na sumisinghot ng shabu ang apat, kung saan agad inaresto ang mga ito.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

Narekober sa mga suspek ang iba’t ibang drug paraphernalia, dalawang piraso ng aluminum foil na may laman pang shabu.