Julia-Montes_mllanes_022015-copy

MABITUIN ang 13th Gawad Tanglaw awarding ceremony na ginanap sa University of Perpetual Help-Las Piñas City dahil sa pagdalo ng halos lahat ng awardee na karamihan ay pawang mga sikat na personalidad sa showbiz at media.

Pinangunahan nina Nora Aunor, Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Coco Martin, Julia Montes, Richard Gomez at Gretchen Barretto ang print, radio, television at film celebrities na dumating para personal na tanggapin ang parangal sa kanila ng Gawad Tanglaw.

Ang Gawad Tanglaw ang pinakaunang award-giving body sa academe na binubuo ng mga professor sa iba’t ibang pamantasan sa Kamaynilaan at mga karatig probinsiya na pawang may doctorate at masteral degree. Dahil siguro pawang respetadong teachers ang nagbibigay ng parangal, walang absent or else….

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kaya rin naman kahit wala si Bimby Aquino Yap, kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Japan kasama ang inang si Kris Aquino at kapatid na si Joshua, nalaman namin na pinakiusapan ng Queen of All Media na tanggapin ni Coco Martin ang trophy at diploma para sa bunso.

Coco-Martin

Tinanggap ni  Piolo ang Best Actor for TV sa seryeng Hawak Kamay, nag-tie naman sina Angelica at Nora sa Best Actress for Film. Si Angelica ay nagpakita ng mahusay na pagganap sa That Thing Called Tadhana at si Nora naman ay napansin sa Dementia. 

Ang Best Supporting Actor at Best Supporting Actress ay back-to-back na napanalunan nina Richard Gomez at Gretchen Barretto para sa pelikulang The Trial.

Kasama ang Entertainment Editor ng BALITA na si Dindo M. Balares sa mga pinarangalan ng Gawad Tanglaw ngayong taon bilang Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Panulat o Lifetime Achievement Award sa print media kahanay sina Atty. Romulo Macalintal (radio), Tirso Cruz III (television), at Chito Roño (film).

Si DMB ay apat na magkakasunod na taon ding pinarangalan ng Gawad Tanglaw bilang Best Entertainment Columnist in Filipino.

Ang ABS-CBN naman ang nakakuha ng TV Station of the Year.

(Editor’s note: Inilabas namin nitong nakaraang Huwebes ang kumpletong list of winners.)