Itinanggi ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, ang sinasabing all out war advisory mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapag nabigo ang usapang pangkapayapaan.

Dahil dito patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng “all out war advisory” ng MILF.

“Sorry, but I have not heard nor read about it. We’ll need to check from our sources on the ground,” pahayag ni Deles.

Ganito rin ang sinabi ni government peace panel Chairman Miriam Coronel-Ferrer dahil puro speculative story lang daw.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayaw magbigay ng pahayag ni Ferrer dahil isa umanong speculative story o haka-haka ang report.

Ayon sa ulat, nagpahayag umano ang MILF central committee ng war advisory sa ilang grupo ng Muslim kabilang na ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Kinumpirma naman nina MNLF spokesmen Absalom Cerveza at Emmanuel Fontanilla na nakatanggap sila ng war advisory na galing sa MILF central committee.

Pinabulaanan ni MILF Vice Chair for Political Affairs Ghazali Jaafar ang nabanggit na war advisory at hindi umano tama na ibinibintang agad sa MILF.

Ipinaliwanag ni Jaafar na kapag magpapalabas ng isyu ang Central Committee ay ipinaaabot sa kaalaman ng publiko.