MAGKAISA NA TAYO ● Kinondena ng UN ang pamamaslang ng Islamic State fighters sa 21 Egyptian na Kristiyano kamakailan. Habang nagdadalamhati ang bahaging iyon ng daigdig, mariing kinondena ng Security Council ng United Nations ang kahayupang ginawa ng mga IS fighter sa nabanggit na mga Egyptian. Idinagdag ng Council na muling napatunayan ang brutal na paghahasik ng kaguluhan at karahasan ng ISIL kung saan libo nang nabuwis ang buhay. “The members of the Security Council stressed again that IS must be defeated and that the intolerance, violence and hatred it espouses must be stamped out,” saad pa ng pahayag.

Gayunman, iginiit pa rin ng Council na ang tuluy-tuloy na pagpapakita ng karahasan at kahayupan ng IS ay hindi nakapanghihina sa kanila kung lalo pang sumisidhi ang kailang pangangailangang himukin ang mga bansa, mga institusyon, at mga rehiyong epektado na sama-samang kumilos upang sugpuin ang IS, ang Ansar Al Sharia entities, at lahat ng sangkot na indibuduwal na may kaugnayan sa Al-Qaida. Hiniling din ng UN Security Council ang agarang pagpapalaya sa ibang bihag ng IS. “The members of the Security Council underlined the need to bring perpetrators of these reprehensible acts of terrorism to justice.  The members of the Security Council stressed that those responsible for these killings shall be held accountable, and urged all States, in accordance with their obligations under international law and relevant Security Council resolutions, to cooperate actively with Libya, Egypt and all other relevant authorities in this regard,” pagtatapos UN Security Council. Kailan kaya mangyayari ang panghihimok na ito? Saklaw lang ba nito ang nangyaring pamamaslang sa 21 Egyptian, paano naman ang Fallen 44 natin?

***

MAGANDANG IDEA ● Dahil madalas nang nasisira ang mga bagon ng MRT/LRT habang bumibiyahe na nalalagay sa panganib ang mga pasahero nito, nakaisip ng magandang idea ang pamunuan ng mga awtoridad: ang dagdagan ang bilang ng hand strap upang hindi matumba ang mga pasahero kapag nagkaaberya ang tren. Ibig sabihin, ang hand strap ang magsasalba sa mga pasahero sa tuwinang madiskaril ang mga tren gaano man katindi iyon. Paano ang taong hindi man lang makaabot sa hand straps? Paano ang may kargang bata? Bakit hindi na lang bumili ng bagong bagon kahit paunti-unti? Maganda ring idea ang magkabit ng mga poster sa loob ng tren: Prayer for Safety. Dios mio!
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM