WALANG sekreto o anumang gamot upang maiwasan ng isang tao ang bangungot.

Sa kabutihang-palad, “nightmares are not usually a sign of physical problems,” sinabi ng clinical psychologist at sleep expert na si Michael Breus, PhD, sa Yahoo Health. “They can sometimes be signs of mental health issues—but not always.” Ang masasamang panaginip ay maaaring maging resulta ng panonood ng nakakatakot na palabas bago matulog. Ngunit maaari rin itong sintomas ng malalang karamdaman, katulad ng post-traumatic stress disorder.

Stress Dreams vs. Nightmares Upang maintindihan ang tungkol sa bangungot, kailangang matukoy ito: “There’s a difference between a stress dream and a true nightmare,” paalala ni Breus. Ang stress dream ay isang nakaka-stress na panaginip mula sa aktuwal na pinagdadaanan sa buhay. At bagamat matamlay ang isinisimbolo ng ilang bagay sa iyong panaginip (kapag cactus, ibig sabihin ikaw ay nasasaktan; kapag nanaginip ng lindol, ikaw ay naguguluhan), minsan ay may kahulugan ito, ayon kay Breus.

Isa pang halimbawa ng stress dream: Kapag nananaginip na natanggalan ng ngipin. “There is some research that suggests that there is a lot of stress related to that kind of a dream,” paliwanag ni Breus.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Stress dream din ang pagtatangkang tumakbo nang mabilis, ngunit ‘tila mabagal ka—o kaya naman ay hindi hindi ka talaga kumikilos. Ayon kay Breus, ito ay ang representante ng iyong katawan habang natutulog na karaniwang nangyayari ang panaginip, at tinatawag na REM sleep. “REM sleep doesn’t allow for great movement — so that you don’t act out your dreams. Your brain reads that in a dream as difficulty walking or moving.”

Ang bangungot, kahit na nakakatakot—at ito ay maaaring iyong napagdadaanan sa tunay na buhay, ay may elemento ng pagpapantasya (may mga pangyayari sa panaganip na hindi maaaring mangyari sa tunay na buhay), ayon kay Breus.

“We also know that a tremendous amount of our military suffer from nightmares,” ani Breus.

Narito ang ilan sa maaaring dahilan kung bakit tayo binabangungot:

Spicy meals. Kung ikaw ay nakararanas ng paninikip ng dibdib o nahihirapang magpatunaw ng pagkain, maaaring ito ang dahilan ng bangungot. “This has more to do with indigestion than anything else,” paliwanag ni Breus.

Lack of sleep. Madalas kapag kulang sa tulog ang isang indibidwal ay mas malapit sila sa bangungot, ayon kay Michelle Drerup, PhD, isang sleep medicine specialist sa Cleveland Clinic Sleep Disorders Center. “Your body goes into REM sleep more quickly so you’re spending more time in [the] stage of sleep where the majority of dreams and nightmares occur,” pahayag niya sa Yahoo Health.

Sleep apnea. “In my practice, people with sleep apnea have reported dreams of being underwater and not being able to breathe,” pahayag ni Breus.