Arizona Reid

Sa halip na sa Governor’s Cup maglaro ang reigning Best Import na si Arizona Reid, mas mapapaaga ngayon ang pagsabak nito sa PBA matapos na magdesisyon ang San Miguel Beer na paglaruin siya sa ginaganap na Commissioner's Cup.

Naalarma na si coach Leo Austria matapos na sumadsad ang Philippine Cup titlist na Beermen sa kanilang ikaapat na sunod na kabiguan sa kamay ng Alaska sa nakaraan nilang laban noong Martes ng gabi.

"Our intention is for him ( Reid) to play in the third conference, but since we're 0-4 with our import, we need to have some changes," pahayag ni coach Austria.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Arizona is a leader and he wants to win. We know how he performs," ayon pa kay Austria na umaasang magiging maayos na ang takbo ng kanilang koponan sa susunod nilang laban kontra sa league leader na Meralco.

Dating naging import si Reid ng Rain or Shine noong nakaraang taon kung saan ay inihatid niya ang Elasto Painters sa finals ng Governor’s Cup sa ikatlong pagkakataon.

Nakatakda niyang palitan ang unang import ng Beermen na si Ronald Roberts.