PINULBOS ● Nakita ko ang larawan ng isang lalaking Egyptian namimighati sa unang pahina ng pahayagang ito kahapon. Totoong naramdaman ko ang kanyang nadarama sa mga sandaling iyon. Nawalan siya ng kabayayan sa pamumugot ng Islamic State fighter sa 21 Egyptian na mga Kristiyano. Kaya hindi na nagpatumpik-tumpik si Pangulong Abdel Fattah al-Sisi ng Egypt.

Isinulong niya ang marahas na hakbang laban sa mga mamamatay-tao. Nagpadala siya ng mga bomber jets sa mga pinamumugaran ng mga IS fighter sa Libya noong Lunes, isang araw matapos matapos mag-release ng video ang grupo roon ng isang video na nagpapagita ng pamumugot sa 21 Egyptian. Pinulbos ng mga bomber jet nang madaling raw ang mga kampo ng IS, pati na ang pinag-iimbakan nito ng mga armas. Galit na galit nga ang mga piloto sa sinapit ng kanilang mga kababayan sa mga kamay ng kampon ni Satanas. Nakilahok sa hakbang na ito ang air force ng Libya na pinuruhan ang Derna – isang lungsod sa baybayin na base ng IS fighters. Anang isang opisyal ng Libyan air force, dose-dosena ang namatay sa pag-atake sa kampo ng IS, at nadurog nila ang ibakan ng armas pati na ang communication center nito. Kamakailan lang, sinunog nila nang buhay ang isang Jordanian pilot sa loob ng isang kulungan. Sa video, makikita umano ang 21 Egyptian na dinadala sa dalampasigan, pinaluhod sa buhanginan at doon pinugutan habang naka-broadcast sa pamamagitan ng isang website na sumusuporta sa Islamic State. Bago ang pamumugot, nagsalita ang isang IS figher na may hawak na punyal, anito: “We will conquer Rome...” Pambihira. Magiging sinungaling ako kung itatanggi kong lihim akong natutuwa sa hakbang na ito ni Pangulong Abdel.

***

KAYA MO ‘YON? May nakapag-ulat na hawak ng gobyerno ang situwasyon hinggil sa seguridad ng bansa. May umusok kasing balita na maaaring gumanti ang kampo ni Marwan. Sinabi umano ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. na minomonitor ng AFP at ng PNP ang lahat ng uri ng pagbabanta sa lahat ng sektor. Humihinga pa kasi si Basit Usman, ang kakutsaba ni Marwan at hindi malayong ito ang magpasimuno ng panibagong madugong karahasan kontra gobyerno. Hindi na matatapos ang kaguluhang ito, maliban na lang kung gagayahin natin ang hakbang ni Pangulong Abdel ng Egypt. Hindi nga tamang sagot sa karahasan ang isa pang karahasan ngunit kung ito na lang ang tanging paraan... Kaya ba’ng iutos iyon ng Pangulo?

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists