Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na magkawanggawa kasabay sa pagdiriwang ng Ash Wednesday kahapon, na hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa isang pastoral letter, hinimok ng Cardinal ang mga mananampalataya na manalangin, mag-ayuno at magkawanggawa ngayong panahon ng Kuwaresma.

Partikular na humingi ng suporta si Tagle sa mga Pinoy para sa feeding program ng kanilang archdiocese, sa ilalim ng kanilang programang Fast2Feed.

Ang Fast2Feed ay isang Lenten campaign na humihiling sa mga mananampalataya na mag-ayuno at ang anumang salaping matitipid mula rito ay ipamahagi sa Hapag-Asa program ng Simbahan.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Inihayag ni Tagle na naging matagumpay ang naturang programa noong nakaraang taon kung saan ay nakapagpakain sila ng 150,000 paslit na mula sa Yolanda-affected areas at 20,000 iba pang kabataan sa loob ng anim na buwan na Hapag-Asa feeding program.

“It only takes P1,200 or P10 per day to bring back a hungry and undernourished child to his healthy state in six months,” ani Tagle.

Dinagsa naman ng mga Katoliko ang mga simbahan sa buong bansa para magpapahid ng abo sa kanilang noo sa okasyon ng Ash Wednesday.