Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng graft and corruption ang dating mayor ng Caraga, Davao Oriental na si William Duma-an dahil sa paghiram umano ng P2 milyon mula sa isang local contractor para bayaran ang kanyang mga pagkakautang noong eleksiyon.

Ayon sa mga record ng Ombudsman, nagharap ng kasong kriminal si Roseller Macayra, chief executive officer ng RR Summit, laban kay Duma-an makaraang mabigo itong bayaran ang inutang noong 2010.

Nahimok si Macayra na magpautang matapos mangako sa kanya si Duma-an na ipagkakaloob sa Summit ang consultancy job para sa P110-milyon proyektong imprastruktura ng Caraga.

Idineposito ang inutang na pera sa personal na bank account ni Duma-an.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sinabi naman ni Duma-an na umutang siya “so he could pay the debts incurred in the May 2010 elections.”