Isa na namang karangalan ang nakamit ng dating UAAP two-time MVP na si Bobby Ray Parks nang tanghalin siyang Most Valuable Player ng ginaganap na 2015 PBA D-League Aspirants Cup.

Dahil sa kanyang ipinakitang consistency sa paglalaro na isa sa naging susi upang magtapos ang Hapee na may rekord na 10-1, panalo-talo, na rekord sa eliminations at umabot ang koponan sa finals kontra Cagayan Valley, nakamit ni Parks ang mayorya ng boto mula sa kapwa niya players, sampu ng media at commissioner’s row.

Naungusan ni Parks para sa karangalan ang top pick sa nakaraang draft ng Cagayan Valley na si Filipino-Tongan Moala Tautuaa at kakamping si Garvo Lanete.

Ang nasabing MVP trophy ang ikatlo para sa 21-anyos na si Parks matapos magwagi bilang back-to-back MVP ng UAAP noong naglalaro pa siya sa National University.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Isa si Parks sa inaasahang mapipili para mapabilang sa national team na sasabak sa darating na Southeast Asian Games sa Hunyo sa Singapore.