Ipinagdiriwang ngayon ng Nepal ang kanilang National Democracy Day na kilala rin bilang Rashtriya Prajatantra Divas sa wikang Nepalese. Ginugunita ng okasyon ang pinamunuan ni King Prithvi Narayan Shah The Great ang mga mamamayan sa pagpapatalsik sa Rana Dynasty noong 1951. Ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Nepal ang araw na ito sa pananalangin upang parangalan ang kanilang mga bayani ng Demokrasya. Sa holiday na ito, isang programa na may parada ng militar ang idinaraos sa araw na susundan ng fireworks displays sa gabi. Karamihan sa mga bahay at mga establisimiyento ay nakasindi ang mga ilaw.

Matatagpuan sa South Asia, ang Nepal ay isang landlocked country na may mahigit 147,000 square kilometers na lawak ng sakop. Ang naturang bansa ay nasa hangganan ng People’s Republic of China sa hilaga at sa timog-silangan at kanluran ng India. Kathmandu ang kapital ng Nepal at ito ang pinakamalaking lungsod. Nasa mahigit 27 milyon ang populasyon ng naturang bansa at mahigit 81% nito ang may kaanib ng Hinduism.

Karamihan sa mga Nepalese ay magsasaka, na nag-aambag ng mahigit 40 porsiyento sa Gross Domestic Product (GDP). Palay ang pangunahing pananim. Ang iba pang pananim ay kinabibilangan ng pulses, wheat, barley, at oilseeds. Ang hayupan ay pangalawa sa pagsasaka sa ekonomiya ng Nepal. Mayaman sa tupa, kambing, at manok ang naturang bansa. Ang mga tanyag na produkto sa Nepal ay kinabibilangan ng carpets, tela, sapatos, sigarilyo, semento, at bricks.

Mayaman din sa mineral resources ang Nepal. Malalaking kantidad ng mica at maliliit na deposito ng ochre, copper, iron, lignite, at cobalt ay matatagpuan sa mga bundok ng Nepal. Hydropower ang pangunahing source ng elektrisidad sa Nepal at may mga panukalang lalo pang idebelop ang potensiyal ng mga ilog ng naturang bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Nepal sa pangunguna nina Pangulong Ram Baran Yadav at Prime Minister Sushil Koirala, sa okasyon ng kanilang National Democracy Day.