Malayong magkaroon ng bagong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome–Coronavirus (MERS-CoV) sa Mimaropa, ayon sa Department of Health (DoH).

Ito ang pahayag ng DoH Region IV-B Director Eduardo Janairo noong Lunes, sa gitna ng mga balita na dalawang turista, na nasa Saudia Flight 860, ang parehong flight ng Pinay nurse na nasuring positibo sa MERS-CoV, ay nanunuluyan sa Palawan.

Noong Linggo, inanunsiyo ni Acting Health Secretary Janette Garin na itinigil na ng DoH ang contact tracing para sa 220 pasahero mula sa Saudia Flight 860, na dumating noong Pebrero 1, dahil nagtapos na ang 14-araw na incubation period para sa MERS-CoV.

Wala sa mga resort sa Palawan ang nagdeklara na mayroon silang kliyente mula sa nasabing flight.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

“This provided us with a peace of mind,” dagdag niya.

Kabilang sa mga sintomas ng MERS-CoV symptoms ang lagnat, ubo, at kakapusan sa paghinga.