Anim na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa bakbakan ng mga tropa ng pamahalaan at rebeldeng komunista sa Alabel, Saranggani noong Lunes ng hapon.

Sinabi ni Col. Romeo S. Brawner Jr., tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), siyam na high-powered firearm ang nabawi ng Army mula sa mga napatay na rebelde na kinabibilangan ng mga M-16 rifle at M-653 assault weapon.

Sumiklab ang bakbakan dakong 3:30 noong Lunes ng hapon sa liblib na lugar ng Tugal, Barangay Datal Anggas, Alabel, Sarangani.

Nagsasagawa ng pursuit operation ang mga tauhan ng 73rd Infantry Battalion sa pamumuno ni 2Lt. Jerson F. Sanchez na matiyempuhan ang mga rebelde sa lugar ng Tugal.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

Ayon sa militar, tumagal ang engkuwentro ng 30 minuto bago tumakas ang mga rebelde sa bulubunduking lugar ng Barangay Datal Anggas.

Walang naiulat na namatay o nasugatan sa mga sundalo.