Nag-alsa balutan ang may 1,200 pamilya upang makaiwas sa labanan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Pagalungan, Maguindanao.
Tinawid ng mga evacuee ang kahabaan ng Liguasan Marsh makaalis lang sa naturang lugar.
Umaabot sa 1,200 pamilya ang lumikas mula sa mga barangay ng Kalbugan, Balongios at Boliok sa bayan ng Pagalungan at karamihan ay naninirahan sa Pagalungan Gym, sa palengke at sa ilang paaralan.
Binigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ang mga pamilyang nagsilikas mula sa Pagalungan, partikular ang ayudang nagmula kina Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu, at ARMM Humanitaian Emergency Action Response Team (ARMM-HEART).
Ayon kay 6th ID Spokesman Capt .Jo-Ann Petenglay, nagsimulang lumikas ang mga sibilyan matapos magkasagupa ang 108th Base Command ng MILF at grupo ni Kumander Gani Saligan ng BIFF.
Iniulat na nagsilikas din ang mga residente sa Barangay Kabasalan sa Pikit, North Cotabato at pansamantalang nanunuluyan sa municipal plaza at sa municipal gym ng Pikit.