Pebrero 17, 1863 nang itinatag ng isang grupo ng mamamayan sa Geneva, sa pangunguna ni Henry Dunant (1828-1910), ang International Committee for Relief to the Wounded, na ngayon ay kilala bilang International Committee of the Red Cross (ICRC).

Sa Battle of Solferino noong 1859, binitbit ni Dunant at ng kanyang mga volunteer ang mga sugatan mula sa magkabilang panig patungo sa mga makeshift hospital. Sa kanyang librong “A Memory of Solferino” noong 1862, hinimok ni Dunant ang mga tao na magtatag ng mga voluntary first aid organization.

Layunin ng ICRC, alinsunod sa Geneva Conventions, na magkaloob ng pantay na proteksiyon at ayuda sa mga apektado ng mga paglalaban, at suportahan ang international humanitarian law. Tumutulong din ang ICRC sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga lumikas mula sa paglalaban.

Noong World War I, iniligtas ng Red Cross at Red Crescent national societies ng ICRC ang maraming sugatang sundalo. Ngunit noong World War II, nabigo ang nasabing mga ICRC society na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng Holocaust.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa kasalukuyan, ang pandaigdigang movement ay mayroon nang 97 milyong miyembro sa mundo.