Magkaroon ng humor ward sa lahat ng ospital upang makatulong sa mga pasyente na mag-relax at makalimutan ang kanilang karamdaman.

Ito ang ipinanukala ni Rep. Scott Davies Lanete (3rd District, Masbate), isa ring doktor, sa kanyang House Bill 5414 na naglalayong mapabuti ang health care industry upang magkaroon ng masaya at kuntentong mamamayan.

Ayon sa kanya, maraming artikulo at ulat ang nagkukumpirma at sumusuporta sa matandang kasabihan na “Laughter is the best medicine.”

“Studies show that humor therapy helps patients relax primarily aiding them in dealing and accepting pain. Although it is unproven that laughter has a direct causation with health improvements, it cannot be denied that it reduces stress and enhances a person’s quality of life,” ayon kay Lanete.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras