MUKHANG click na click ang Wattpad Stories ng TV5 dahil kahit medyo gabi nang umeere ay sinusubaybayan pa rin at take note, nasa ikalawang season na, nagri-rate at kumikita dahil maliit lang ang budget kumpara sa teleserye.

Short story lang naman kasi ang Wattpad kaya lingguhan ang takbo ng kuwento hindi katulad ng teleserye na pinakamaiksi na ang tatlong buwang airing kaya mahal ang production cost.

Sa pocket presscon ng second season ng Wattpad ng TV5 inihayag na mapapanood ang episode na Cupid Fools simula ngayong gabi hanggang Biyernes (Pebrero 20), bida sina Ahron Villena, Danielle Lee at Sophie Albert tungkol sa pagpapanggap ng dalawang magkaibigan para pagselosin ang ex-girlfriend ng lalaki.

Ang Cupid Fools ay sinulat ni Pajama Addicts na umabot na sa 5.5 million readers at nakakuha ng 151,000 votes.

Politics

'Tropang angat' De Lima, Robredo, Hontiveros, reunited sa isang kasalan!

Ang susunod na episode na mapapanood simula sa Pebrero 23 (Lunes) hanggang 27 (Biyernes) ay may titulong Ex Ko Ang Idol N’yo na pagbibidahan naman nina Marbelous Alejo, at Ranz Kyle ng boyband na Chicser.  Ang kuwento ay tungkol sa isang sikat na miyembro ng banda na naghiwalay dahil sa kasikatan.

Ang Ex Ko Ang Idol N’yo ay umabot na sa 4.8 million readers at 41,000 votes.

Mapapanood naman sa Marso 2–6 ang episode na Bitter Ella, pagbibidahan nina Katrina Velarde aka Suklay Diwa, at Phytos Ramirez. Ang kuwento naman ay tungkol sa campus heartthrob na magpapalambot sa puso ng babaeng punumpuno ng hinaing sa buhay.

May one million readers na ang Bitter Ella at 12,938 votes.

Ang susunod ay ang My Fiance Since Birth na mapapanood naman sa Marso 9-13 na pagbibidahan nina Vin Abrenica at Yassi Pressman. Sinulat ito ni Kagome Annah, umabot sa 4.8 million readers at 41,000 votes.

Ang kuwento ay tungkol sa pangakong binitiwan simula noong mga bata pa ang dalawang bida.

Samantala, marami ang nagtanong kung bakit hindi sina Vin at Sophie ang magkasama sa iisang kuwento gayong sila naman talaga ang magkarelasyon sa tunay na buhay.

Sagot ng program manager na si Ms. Gel Garciano, “Para maiba naman po.”

Nanibago kami kay Vin Abrenica dahil nag-improve na ang looks niya, hindi na katulad ng dati na batu-bato at malaki ang mukha na sabi nga namin ay ‘mukhang kargador’.  In fairness, mukha na siyang leading man.

At inglesero na ang kapatid ni Aljur Abrenica, huh, nahawa yata sa girlfriend niyang si Sophie na inglesera rin.

Pagtatanggol naman ng dalaga, dati nang nagsasalita ng English si Vin (daw), mas naging confident lang daw ngayon dahil ito raw ang lengguwahe nilang dalawa, bongga.