CALIFORNIA (Reuters) – Mayroong secret lab ang Apple Inc. na nagtatrabaho para lumikha ng isang Apple-branded electric car, iniulat ng Wall Street Journal noong Biyernes, tinukoy ang mga taong pamilyar sa usapin.

Ang proyekto ay nagdisenyo ng isang behikulo na kamukha ng isang minivan, sipi ng pahayagan sa isang tao. Aabutin ng ilang taon para matapos ang proyekto, at hindi pa tiyak kung kalaunan ay gagawa ng mga kotse ang Apple, sinabi ng Journal.

Ang balita ay senyales na itinataas ng Apple ang kanyang mga ambisyon para sa automotive technology, na naging prime area of interest ng mga kumpanya sa Silicon Valley mula sa Google Inc hanggang sa ride-sharing firm na Uber hanggang sa electric car-maker na Tesla Motors Inc .

Ang research lab ay itinayo noong nakaraang taon, matapos ihayag ng Apple ang kanyang forthcoming smart watch at latest iPhones, ayon sa naunang ulat ng Financial Times.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi ng Wall Street Journal na ang Apple project, code-named “Titan,” ay mayroon ilang daang manggagawa na nagtatrabaho ilang milya ang layo mula sa Apple headquarters sa Cupertino, California.