TAGBILARAN CITY, Bohol – Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Bohol, isang radio broadcaster ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang suspek habang lulan ang biktima ng kanyang sasakyan sa siyudad na ito kahapon ng tanghali.

Nabulabog ang mga komunidad sa Tagbilaran matapos kumalat ang balita sa pagpatay kay Engineer Maurito Lim, 75, habang ginugunita ng mga residente ang ikalawang Provincial Day of Peace.

Ayon sa imbestigasyon, sakay si Lim sa kanyang pulang Isuzu Crosswind na nakaparada sa tapat ng estasyon ng Radyo DyRD dakong 11:00 ng umaga nang lapitan ng nagiisang salarin at binaril ang biktima nang malapitan.

Lumitaw sa imbestigasyon na ipinutok ng salarin ang kanyang baril sa tapat ng nakasarang bintana ng Crosswind kung saan tumagos ang bala nito hanggang sa kaliwang bahagi ng ulo ng biktima.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Si Lim ay ideneklarang dead-on-arrival sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital na katapat lamang ng estasyon ng radyo.

Napag-alaman ng pulisya na si Lim ay katambal ni dating Bohol Gov. Victor Dela Serna na kilalang kritiko ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan na si Edgar M. Chatto.