Kung naaalala mo pa ba noong unang dalhin ka ng iyong mga magulang sa palengke o tiangge? Maramibkang natutuhan doon. At isa na roon ang makipagtawaran sa tindera. Madalas itong gawin ng mga mamimili sa palengke sa layuning makatipid sa pera upang mas marami ang mabili.

Ngunit sa paghakbang ng panahon, nalaman mo kung nararapat bang makipagtawaran, hindi lamang sa mga tindera sa palengke kundi pati na rin sa ibang tao.

Ang pakikipagtawaran ay bahagi na ng buhay ng karaniwang mamamayan. Kahit nga ang ilan sa mayayaman ay nakikipagtawaran din. At kapag nabili mo ang isang bagay sa murang halaga dahil nakipagtawaran ka sa , taglay mo ang kasiyahan kahit piso lang ang nabawas sa presyo.

Gayunman, may mga tao na hindi ka dapat makipagtawaran. Sinu-sino sila?

Metro

Mandaluyong, nakamit ang 100% rating sa child-friendly local governance audit

  • Tourist Guide - Kung nagliliwaliw ka sa malayong probinsiya sa udyok ng iyong barkada na sumama sa kanila, malamang na kakailanganin ninyo ang serbisyo ng isang tourist guide. Siyempre, gusto mong sulitin ang iyong pamamasyal sa isang lugar na tutuklasin mo pa lang at ang tourist guide ang magbibigay sa iyo ng matalinong impormasyon. Kung inaakala mong sobra ang singil ng tourist guide, pag-isipan mong mabuti. Kung ang tourist guide na iyong uupahan ay lisensiyado ng gobyerno, sumailalim siya sa matinding pagsasanay, kinailangan niyang ipasa ang lahat ng eksaminasyon sa history at iba pang larangan bago sila makakuha ng lisensiya at nang makapaglingkod nang mahusay. Hindi naman malaki ang sinasahod ng isang tourist guide mula sa gobyerno. Kaya malaking bagay ang ibinibigay ng mga turista tuwing peak season.Kapag off season naman, halos wala silang kinikita. Kaya kung uupa ka ng isang tourist guide, huwag ka nang makipagtawaran sa kanya sa presyo ng kanyang serbisyo. Masusulit mo naman ang bagong karunungang kanyang ibabahagi.

Sundan bukas.