Dalawang young outstanding athletes sa field ng chess at swimming ang recipient ng Milo Junior Athletes of the Year honor na ipagkakaloob ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Napahanay sina International Master Paulo Bersamina at bemedalled swimmer Kyla Soguilon sa talaan ng mga batang achievers na pararangalan sa PSA Annual Awards Night na co-presented ng MILO at San Miguel Corp. sa Lunes sa 1Esplanade sa Pasay City.

Ito ang ikatlong sunod na taon na ang MILO at sa partnership ng pinakamatandang media organization ay magkakaloob ng special award na ipamamahagi sa top young outstanding athletes na ang achievements at excellence ay nakatulong para magkaroon ng inspirasyon ang mga kabataang Filipino.

Pinarangalan sina Palarong Pambansa standouts Regina Erin Castrillo at Rafael Barreto sa kapareho ring award noong nakaraang taong edition para sa formal affair kung saan ang Meralco, Smart, at ang MVP Sports Foundation ang principal sponsors habang ang Philippine Sports Commission ang major sponsor.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni MILO sports executive Andrew Neri na sina Bersamina at Soguilon ay naging halimbawa para sa values ng leadership, discipline, perseverance, at integrity sa totoong buhay sa pamamagitan ng kanilang exceptional athleticism sa kanilang mga sports.

Napasakamay ni Bersamina ang kanyang IM matapos na pamunuan ang U-20 event sa 15th ASEAN Age Group Chess Championships sa Macau.

Sa kabilang dako, naisakatuparan ni Soguilon ang kanyang presensiya sa dalawang international tournaments bilang 10-year-old swimmer, kasama na ang 16th Royal Bangkok swimfest kung saan ay kumolekta siya ng kabuuang anim na gold medals.

Kapwa aakyat sina Bersamina at Soguilon sa stage ng dalawang beses sa gabi ng awards night na suportado ng Air21, National University, PAGCOR, ICTSI, Accel, Maynilad, PBA, Rain or Shine, PCSO, El Jose Catering, Globalport, at 1Esplanade, kung saan ay bahagi din sila ng five-man awardee na ipiprisinta sa Tony Siddayao honor.

Ang nag-iisang Incheon Asian Games gold medal winner na si Daniel Caluag ang tinanghal na PSA’s 2014 Athlete of the Year.

Si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang tatayong special guest speaker at pamumunuan ang local sports community sa pagbubunyi kay Caluag at sa iba pang honorees dahil sa kanilang mga kabayanihang nagawa nitong 2014.

Isasagawa ng two-time UAAP cheerdance competition champion National University (NU) ang entertainment na bahagi ng programa kung saan ay tatayong host si veteran sportscasters Quinito Henson at Patricia Bermudez Hizon.