Niyanig ng 5.0 Magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Batangas, 12: 10 ng madaling araw, iniulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ( Phivolcs).

Sa report ni Phivolcs Director Renato U. Solidum Jr, natukoy ang epicenter ng lindol sa distansiyang 22 kilometro sa timog kanluran ng Nasugbu, Batangas. May lalim itong 109 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang Magnitude 3 sa Nasugbu, Batangas at Magnitude 2 naman sa Pasay City, Makati City, Manila City, Muntinlupa City at Quezon City.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang mahinang aftershocks.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso