Ang Feast ng Our Lady of Lourdes ay gumugunita sa mga aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa isang mambubukid na batang babae sa lalawigan ng Lourdes, France noong 1858. Nagpakita ang Mahal na Birhen nang 18 beses kay Bernadette Soubirous; ang unang aparisyon ay noong Pebrero 11 sa yungib ng Massabielle sa lalawigan, habang nangongolekta ng panggatong si Bernadette kasama ang kanyang kapatid na babae at isang kaibigan. Inilarawan niya ang aparisyon bilang “a pretty young girl with a rosary on her arm. Her white robe was encircled by a blue girdle. She wore a white veil, and there was a yellow rose on each foot. A rosary was in her hand.”

Sa ika-18 o huling aparisyon noong Hulyo 16, ang kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel, nagpakilala ang Mahal na Birhen sa mga salitang “I am the Immaculate Conception”.

Noong 1862, kinumpirma ng Simbahan ang katunayan ng mga aparisyon at noong 1873, pinasinayaan ang French pilgrimages. Noong 1876, ang imahe ng Our Lady sa bakuran na kilala ngayon bilang Rosary Basilica ay canonically crowned. Noong 1883, ang batong pundasyon ng isa pang simbahan ay pinabanal sa paanan ng basilica at noong 1901 bilang Church of the Rosary. Ang Feast of Our Lady of Lourdes sa Pebrero 11 ay lumaganap sa daigdig noong 1907.

Isang grotto na naglalarawan sa aparisyon ang itinayo sa lugar mismo kung saan nagpakita ang Our Lady kay Bernadette, at naging popular itong pilgrim site, kung saan milyun-milyong deboto mula sa lahat ng bahagi ng mundo ang naghahangad ng pamamagitan ng Our Lady. Ang Marian shrine sa Lourdes ay naiulat na umaakit ng mahigit sa limang milyong deboto taun-taon. Maraming milagro at paggaling sa karamdaman ang iniuugnay ng mga mananampalataya sa bukal ng tubig mula sa grotto. Tinutularan ang grotto na ito sa maraming tahanan at establisimiyentong Pilipino, partikular na sa pagpapaganda ng hardin.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Binibisita ng mga debotong Katoliko ang Convent of Saint Gildard sa Nevers, France, upang manalangin sa mga labí ni St. Bernadette. Sa kumbentong ito naglagi ang santa sa nalalabi niyang mga taon matapos ang aparisyon, at kung saan siya inilibing noong Abril 16, 1879. Kinuha ang kanyang mga labí pagkaraan ng 30 taon noong 1909, at natuklasang hindi nabubulok. Sa pangalawang paghukay pagkalipas ng sampung taon, noong 1919, natuklasang hindi nagbabago ang estado ng preserbasyon ng labí maliban sa mukha na bahagyang nag-iba ang kulay dahil sa paghuhugas na isinagawa rito sa unang paghukay. Sa pangatlong paghukay sa kanya, noong 1925, isang firm ang naatasang lagyan ng light wax ang mukha nito at mga kamay dahil sa skin discoloration.

Na-canonize si St. Bernadette noong Disyembre 9, 1933 sa Rome ni Pope Pius XI.