Ang “hungry factor” at tamang mga piyesa para sa kampeonato ang nagbigkis para sa National University (NU) sa nakaraang season nang sa wakas ay matigib ng Bulldogs ang 60 taong tagtuyot nang kanilang mapanalunan ang UAAP men’s basketball championship.

Hans SyNgunit ang pangitain ng isang tao ang siyang nagpaiba ng mga bagay-bagay para sa isang paaralan na ang programa sa isports ay itinuturing na pawala na.

Si Hans Sy, na nakuha ng pamilya ang majority ownership ng Sampaloc-based na paaralan noong 2008, ay binigyang kredito dahil sa paggamit ng salapi at agresibong recruitment program na bumuhay sa unibersidad at ayusin ang namantsahang reputasyon ng Bulldogs.

Ang resulta ay isang programa na nagbigay sa paaralan ng tagumpay sa iba’t ibang isports, lalo na sa basketball, kasunod ng makasaysayang pagwawagi ng Bulldogs noong nakaraang taon sa championship series laban sa Far Eastern University (FEU).

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Dahil sa kanyang tagumpay na maiba ang kapalaran ng dating pinagtatawanang sports program ng NU, igagawad kay Sy ang pagkilala bilang Executive of the Year ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa Annual Awards Night na handog ng MILO at San Miguel Corp. sa Pebrero 16 sa 1Esplanade Mall of Asia Complex.

Si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan, Philippine Azkals team manager Dan Palami, Association of Boxing Alliances in the Philippines chief Ricky Vargas, at Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Chito Salud ay ilan sa mga personalidad na nakatanggap ng award mula sa pinakamatandang media organization sa bansa sa mga dating pagdaraos ng gala night kung saan ay principal sponsors ang Smart, Meralco, at MVP Sports Foundation habang major sponsor naman ang Philippine Sports Commission.

Ang BMX rider na si Daniel Caluag, na ibinigay ang nag-iisang gold medal ng bansa sa Asian Games sa Incheon, Korea, ang tatanggap ng prestihiyosong Athlete of the Year award sa seremonya na suportado rin ng PBA, Maynilad, Accel, National University, El Jose Catering, Air21, Globalport, PAGCOR, ICTSI, Rain or Shine, at PCSO.

Pangungunahan ni Caluag ang PSA honor roll list para sa 2014 na kinabibilangan din ng National University (President’s award), MVP Sports Foundation Inc. (Sports Patron of the Year), ang 1973 Philippine men’s basketball team (Lifetime Achievement Award), coach Tim Cone (Excellence in Basketball), Mitsubishi (Hall of Fame), Alyssa Valdez (Ms. Volleyball), Jean Pierre Sabido (Mr. Taekwondo), at sina Princess Superal at Tony Lascuna (Golfers of the Year).

Sa kabilang dako, ang mga tatanggap ng major awards ay sina Donnie Nietes, San Mig Coffee team, Gabriel Luis Moreno, Michael Christian Martinez, San Beda Red Lions, June Mar Fajardo, Kiefer Ravena, Mark Galedo, Daniella Uy, Mikee Charlene Suede, Jessie Aligaga, Jean Claude Saclag, Philippine dragon boat team, Philippine poomsae team (male under 30), Philippine poomsae team (freestyle), Kid Molave, at jockey Jonathan Hernandez.