Muling pinalawig ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapadaan sa mga provincial bus sa main tunnel o underpass sa EDSA, na nakatakdang magtapos noon pang unang linggo ng Enero, para maibsan ang problema sa trapiko at maging madali para sa mga city bus ang gamitin ang mga bus stop.

Iniutos ng Metro Manila Council, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 1, na palawigin ng MMDA hanggang Hunyo 16, 2015 ang pagpapahintulot sa mga provincial bus na dumaan sa tatlong pangunahing tunnel sa EDSA: ang nasa Aurora Boulevard, nasa P. Tuazon sa Cubao, at nasa Shaw Boulevard sa Mandaluyong.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sa bisa ng odd-even scheme ay makakadaan sa nabanggit na mga tunnel tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang mga provincial bus na may plakang nagtatapos sa odd numbers, habang ang even numbers at makadadaan tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Nilinaw naman ni Tolentino na hindi kasama sa maaaring daanan sa EDSA ang Ayala tunnel, at ang lalabag ay pagmumultahin ng P500.

Lapagan ng resibo? Jam Villanueva, mas malinaw daw maglatag ng resibo kumpara sa OVP