Magtitipon sa dinarayong Cagayan Valley ang mga miyembrong eskuwelahan ng State Colleges, Universities Athletic Association (SCUAA) na magiging punong-abala sa unang National Olympics na gaganapin ngayon hanggang Pebrero 14.

 Una nang nagwagi ang Cagayan State University (CSU) sa isinagawang bidding para sa taunang athletic meet na muling magbabalik ngayong taon matapos na kanselahin noong nakaraang taon dahil sa kalamidad na nangyari sa Visayas region. 

Inaasahan na libong estudyante na mula sa CSU ang magbibigay ng makulay na seremonya sa 2015 SCUAA National Olympics na gaganapin sa Cagayan Sports Complex.

Maglalaban sa athletic competition na para lamang sa state-run colleges at universities sa bansa, ang kabuuang 17 rehiyon na magsasagupa sa nakatayang 41 sports at socio-cultural games. 

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Ang SCUAA ay binubuo ng 93 institutions, organisasyon at indibidwal na nag-oorganisa ng kanilang athletic programs para sa lahat ng pampublikong kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.  

Unang binuo ang organisasyon bilang State Colleges Athletic Association (SCAA) noong 1953 na kinabibilangan ng Philippine Normal College, Central Luzon Agricultural College, Philippine College of Commerce na mas kilala sa ngayon bilang Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Philippine College of Arts and Trade.  

Lumawak ang SCUAA sa mga rehiyon sa bansa na nagdulot sa pagbuo ng regional o satellite SCUAA, tungo sa pagsasagawa ng National SCUAA noong 1980s. Dalawang taon matapos mabuo ay isinagawa na ang unang National SCUAA na binubuo ng state colleges at unibersidad na mula sa Region I, IV, V, VIII, at NCR bilang mga kalahok.

Inilarga ng SCUAA ang iba’t ibang sports event na tulad ng basketball, volleyball, swimming, cheerleading, athletics, arnis, boxing, field demonstration at dance sports.

Ang 26th Season ng SCUAA-National ay humataw sa Jose Rizal Memorial State University noong Pebrero 16, 2013 bago ang pagiging punong-abala ng Cagayan Valley.