Nominado si Pope Francis para sa Nobel Peace Prize ngayong taon at kung may masasabi ang mga Pilipino sa bagay na ito, siya talaga ang tanging pipiliin para sa naturang parangal.

Dumating ang Papa sa bansa para sa isang pastoral visit na naghatid sa kanya sa Leyte kung saan nakapiling niya ang mga sinalanta ng bagyo sa isang open-air na misa na inulan, bilang pagtupad sa kanyang pangako noong 2013 na darating siya upang makidalamhati sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Bago siya dumating sa Pilipinas, naakit niya ang atensiyon ng buong mundo sa kanyang mga pagsisikap na ireporma ang Simbahang Katoliko Romano mula sa loob nito, lalo na ang mga ginagawa ng Curia at ng Vatican Bank. Nanawagan siya para sa isang Synod on the Family na muling sumuri sa mga sinaunang paniniwala at konserbatibong pag-uugali – na kanyang inaasahan - na maaaring maglaan ng puwang para sa mga Katolikong homoseksuwal at mga mag-asawang naghiwalay.

Ngunit ang kanyang pagsisikap upang lumaganap ang kapayapaan ang mas kikilingan sa mga deliberasyon ng Nobel Peace Prize committee. Titingnan nito kung paano niya inimbitahan ang mga pangulo ng Israel at Palestine na samahan siya sa isang “prayer summit” sa Vatican noong bumisita siya sa Holy Land noong Hunyo ng nakaraang taon. Habang kinokondena niya ang pagmamalupit ng Islamic State sa mga Kristiyano sa Syria at Iraq, nagpahayag din siya ng simpatiya para sa mga Muslim na nagdurusa dahil iniuugnay sila sa terorismo gayong, aniya, ang kanila ay isang relihiyon ng kapayapaan. Bago siya nagtungo sa Pilipinas noong nakaraang buwan, ang mga leader na Muslim ay humiling kay Pope Francis ang kanyang suporta at pagpapala sa sarili nilang pagsiskap para sa kapayapaan sa Mindanao.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Ang kanyang tungkulin bilang peacemaker ay kinilala ni United States President Barack Obama – sa kung paano siya nagpadala ng mga liham kina President Obama at President Raul Castro ng Cuba how he sent letters to President Obama and Cuba President Raul Castro na humihimok sa kanila na resolbahin ang humanitarian questions, partikular na sa palitan ng mga bilanggong tangan magkabilang panig. Naging punong abala ang Papa sa isang pagpupulong sa Vatican at kalaunan, ipinahayag nina Obama at Castro ang pagtatapos ng kalahating siglo ng alitan ng US at Cuba.

Ito si Pope Francis, na nakikita ang peacemaking bilang mahalagang sangkap ng kanyang pagkapapa. Kung tutuusin siya ang Vicar of Christ na, sa Kanyang Sermon on the Mount na naitala ni San Mateo, sinabing “Mapapalad ang mapagpayapa, sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos” (Mt 5:9).

May iba pang nominado para sa Nobel Peace Prize. Kabilang doon sina Edward Snowden, na naglantad ng American electronic surveillance sa buong mundo; isang Russian newspaper - ang Novaya Gazeta – na kritikal kay President Vladimir Putin;  at Mussie Zerrai, isang Eritrean priest na umayuda sa mga migranteng Africano na tumatawid sa Mediteranean upang makatagpo ng bagong buhay sa Europe. 

Ginawa ang mga nominasyon ng libu-libong nagpadala ng pangalan ng kanilang napili noong Pebrero 1. Lihim na tatalakayin ito ng komite, at pagkatapos, ipahahayag ang Nobel Peace Prize winner sa Oktubre, na kasama ang mga nagwagi ng Nobel Prizes sa Chemistry, Physics, Medicine, at Literature. Maghihintay at manonood ang buong mundo – at ang ating mga dalangin ay para kay Pope Francis, ang Peacemaker.