GENEVA (Reuters)— Ibinebenta ng mga militanteng Islamic State ang mga dinukot na batang Iraqi sa mga pamilihan bilang mga sex slave, at pinapatay ang iba, kabilang ang pagpapako sa krus o paglilibing sa kanila nang buhay, sinabi ng isang United Nations watchdog noong Miyerkules.

Ang mga lalaking Iraqi na wala pang 18-anyos ay madalas gamitin ng militanteng grupo bilang mga suicide bomber, bomb maker, informant o human shield upang protektahan ang mga pasilidad laban sa mga airstrike na pinamumunuan ng US, sinabi ng UN Committee on the Rights of the Child.

“We are really deeply concerned at torture and murder of those children, especially those belonging to minorities, but not only from minorities,” sinabi ni committee expert Renate Winter sa isang news briefing. “The scope of the problem is huge.”

Ang kabataan mula sa sektang Yazidi o mga komunidad ng Kristiyano, kasama rin ang mga Shi’ite at Sunni, ang mga naging biktima.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We have had reports of children, especially children who are mentally challenged, who have been used as suicide bombers, most probably without them even understanding,” sabi ni Winter sa Reuters. “There was a video placed (online) that showed children at a very young age, approximately eight years of age and younger, to be trained already to become child soldiers.”

Ang Islamic State ay ang grupong tumiwalag sa al Qaeda at nagdeklara ng Islamic caliphate sa malaking bahagi ng Syria at Iraq noong nakaraang tag-araw.

Pumatay na sila ng libu-libo at itinaboy sa kanilang mga tirahan ang daan-daang libong mamamayan, sa tinagurian ng United Nations na reign of terror.

Kinondena ng UN body, nagrepaso sa rekord ng Iraq sa unang pagkakataon simula noong 1998, ang “ systematic killing of children belonging to religious and ethnic minorities by the so-called ISIL, including several cases of mass executions of boys, as well as reports of beheadings, crucifixions of children and burying children alive”.

Malaking bilang ng mga bata ang namatay o malubhang nasugatan sa mga air strike o pamamaril ng Iraqi security forces, habang ang iba ay namatay sa “dehydration, starvation and heat”, it said.

Ang ISIL ay gumawa ng “systematic sexual violence”, kabilang ang “ abduction and sexual enslavement of children”, ayon dito.

“Children of minorities have been captured in many places... sold in the market place with tags, price tags on them, they have been sold as slaves,” ani Winter, nang hindi nagbibigay ng detalye.

Nanawagan ang 18 independent experts na nagtrabaho sa report sa mga awtoridad ng Iraq na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang “to rescue children” sa ilalim ng kontrol ng Islamic State at para panagutin ang mga salarin sa krimen.

“There is a duty of a state to protect all its children. The point is just how are they going to do that in such a situation?”, ani Winter.