Pebrero 7, 1984 nang isagawa ng Space Shuttle Challenger astronaut na sina Bruce McCandless II at Robert L. Stewart ang unang unbound spacewalks. Kapwa sila gumamit ng manned maneuvering unit (MMU) sa ikasampung biyahe ng Space Shuttle, mission 41-B, na may orbit na 150 nautical miles sa ibabaw ng mundo.

Si McCandless, gamit ang kanyang MMU, ang unang umalis sa cargo bay, at siya ang unang tao na malayang nakalipad sa kalawakan. Sinuri nila ni Stewart ang kagamitan, nagsagawa ng plano sa cargo bay, lumipad at bumalik sa orbiter, nag-ehersisyo, ni-recharge ang mga MMU nitrogen tank, at nangolekta ng engineering data. Ang mga biyahe ng MMU ay nagpapakita ng kakayahan na kinakailangan sa pagbawi sa Solar Max satellite sa susunod na shuttle mission.

Ngunit sa loob ng maraming taon ay hindi pumayag ang National Aeronautics and Space Administration sa paggamit ng unbound spacewalk dahil sa usaping pangkaligtasan.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’