Kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang pag-atake ng Sinai Province, isang militanteng grupo, sa mga pasilidad ng militar at interior ministry sa North Sinai na ikinamatay ng 30 katao kabilang ang mga sibilyan noong Enero 28.
Ayon sa ulat, sumalakay ang Sinai Province sa gabi ng nasabing petsa gamit ang car bombs para sirain ang mga pasilidad ng gobyerno at militar kasama na ang mga checkpoint doon. Ang nasabing militanteng grupo ay sumumpang tatalima sa Islamic State.
Sa kalatas na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), muling inihayag ng Pilipinas ang kanyang pagkondena sa war crimes at hindi makataong krimen na ginagawa ng ISIS.