TACLOBAN- Bilang bahagi ng kanilang commitment upang tulungan ang mga kabataang naapektuhan ng mapaminsalang typhoon ‘Yolanda’ na manumbalik ang kanilang katatagan sa pamamagitan ng paglalaro at sports, ipinamahagi ng MILO ang kabuuang 16,000 pares ng bagong running shoes sa mga piniling recipients sa Tacloban, Ormoc at Samar noong Enero 26 hanggang 28.

Kasama ng mga sapatos, ang foot cutouts na taglay ang ‘Messages of Hope’ ay ipinasa rin sa mga kabataan. Ang nakalulugdang mensahe ay mula sa mga taong sumagot sa panawagan ng MILO na tumulong sa mga musmos na bata na kunin ang mga susunod na hakbang at ipakita sa kanila na ang Filipino community ay nagpupunyagi sa kanila. Sa nakaraang 38th National MILO Marathon season, sumulat ang avid MILO drinkers para sa foot cutouts sa Help Give Shoes booth sa qualifying races at National Finals, habang ipinoste ng netizens ang ‘nuggets of encouragement’ sa MILO Philippines Facebook, Twitter, at Instagram social media accounts.

Nagbigay din ng malaking pag-asa ang celebrities at mga kilalang personahe sa mga recipients, kasama na si Jim Paredes na nagsabing, “A step at a time will get you there!”

Ipinarating din ni Christine Bersola Babao sa mga musmos na bata ang mga katagang, “Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kaya mo iyan. Unti-unting humakbang muli! One step at a time until you reach your destination… your dream!”

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Inilunsad noong 2010, ang MILO’s Help Give Shoes advocacy ay nagpapatuloy sa kanilang kampanya na makapagbibigay sa bawat partisipante sa National MILO Marathon na maibahagi ang kanilang registration fee para suportahan ang kanilang nilalayon. Ipinarehas ng MILO ang kabuuang bilang na kanilang nakolekta upang maipagkaloob ang mga sapatos sa mga nangangailangang public school students. Noong nakaraang taon, sa kanilang ika- 50 taong anibersaryo sa Pilipinas, ipinagkaloob ng MILO ang kabuuang 50,000 pares ng sapatos sa school childrens.

Sa walang humpay na suporta ng Department of Education (DepEd) at National MILO Marathon runners, naipamahagi ng MILO ang pares ng mga sapatos sa mga estudyante ng Calibaan Elementary School, Don Vicente Quintero Memorial School, Sto. Niño SPED School, City Central School, San Fernando Central School at V&G Dela Cruz Memorial School, Dr. A. P. Banez Memorial Elementary School, TigbaoDiit Elementary School, Sta. Elena Elementary School, San Jose Central School, Scandinavian Elementary School, Bagacay Elementary School, Fisherman Village Elementary School sa Tacloban City, Liberty Elementary School, Cabintaan Elementary School, Licoma Elementary School, Mahayahay Elementary School, Catmon Elementary School, Dona Feliza Mejia Elementary School, Green Valley Elementary School, Lao Elementary School, Villacencio Elementary School, San Juan Elementary School, Lake Danao elementary School, Alta Vista Elementary School, Can-Untog Elementary School, Ormoc City Speed Center School, Naglahug Elementary School in Ormoc, at Cagdara-o Elementary School, Mayana Elementary School, Timala Elementary School, BitaogLawaan Elementary School, Paco Elementary School, San Vicente Elementary School, Salug Elementary School, at Lupok Elementary School sa Guiuan, Eastern Samar.

At dahil sa kaligayahan, nagpalabas ng presentasyon ang recipients sa kanilang mga classrooms bilang pasasalamat na rin sa mga taong nagbigay kontribusyon sa nasabing adbokasiya.

“Seeing the big smiles on their faces after this encounter with the children truly makes us happy, knowing that somehow, we were able to uplift their spirits,” saad ni MILO Sports Marketing Manager Andrew Neri. “We at MILO would like to thank the Filipino community for participating in this advocacy. Through our efforts, we hope to inspire them to continue to overcome the roadblocks the typhoon brought in, and strive for their dreams.”

Para sa karagdagang impormasyon sa MILO Philippines at sa Help Give Shoes advocacy, mag-log on sa official website (http://www.milo.com.ph) o sa MILO Philippines Facebook page (https://www.facebook.com/milo.ph). Sundan ang MILO sa Twitter (@MiloPH) and Instagram (@MiloPhilippines).