TARLAC CITY- Inihayag ni Dingalan Mayor Zenaida Padiernos na itatayo sa kanyang bayan ngayong buwan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Automated Weather Station (AWS) na kayang magpadala ng real-time updates sa taya ng panahon.

Aniya, makatutulong ang AWS upang maging mas maging handa ang kanyang mga nasasakupan sa panahon ng kalamidad lalo pa at sila ay nakaharap sa karagatang Pasipiko.

Kabilang sa kayang basahin ng AWS ang relative humidity, temperature pressure, wind speed, wind direction, at amount of rainfall.

Katuwang ng PAGASA sa naturang proyekto ang Weather Philippines Foundation.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’