Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap ang kagawaran ng ulat kaugnay sa pagkakadukot ng pitong dayuhan kabilang ang tatlong Pinoy ng mga armadong lalaki sa Mabruk Oil Field sa Central Libya noong Pebrero 3.

Ayon sa DFA patuloy itong nakikipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Libya para i-monitor ang nasabing sitwasyon.

Patuloy din ang koordinasyon ng DFA at Embahada sa SOGEPI SRL Italy company, ang employer ng tatlong overseas Filipino worker (OFW), upang tiyakin ang kanilang katayuan at ligtas na makabalik. Lumabas sa mga ulat na kabilang umano ang mga armadong lalaki na dumukot sa mga biktima sa Islamist group sa Libya.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas ang DFA na pangalan ng tatlong dinukot na Pinoy dahil kailangan pang iberipika ang report at dapat munang ipagbigay-alam sa mga pamilya ang nangyari.
Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente