AMMAN (AFP/Reuters)— Nanawagan ang Al-Azhar, ang pinakaprestihiyosong center of learning ng Sunni Islam, na patayin at ipako sa krus ang mga militanteng kasapi ng Islamic State group, sa pagpapahayag nila ng galit sa pagpatay sa isang Jordanian pilot.
Sa kanyang pahayag matapos sunugin nang buhay si Maaz al-Kassasbeh, nanawagan ang Cairo-based authority para sa “killing, crucifixion and chopping of the limbs of Islamic State terrorists”.
Sumumpa naman si Jordan King Abdullah ng “relentless” war laban sa Islamic State sa kanilang sariling teritoryo noong Miyerkules bilang tugon sa video na inilabas ng IS na nagpapakita sa paaraan ng pagpatay sa piloto ng Jordanian air force.