Inihayag kahapon ni Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay na magkakaloob ang lokal na pamahalan ng tig-P100,000 bilang tulong pinansiyal sa mga nauilalang pamilya ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) member na namatay sa pakikipagbakbakan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

“This is our humble way of honoring and showing our heartfelt gratitude for these heroes who remained true to their duty of safeguarding peace in our land up to their last breath. We express our deepest sympathy to their families,” sabi ni Mayor Binay.

Ayon pa sa alkalde ang mga nasugatang SAF commandos na napagtagumpayan ang nasabing madugong bakbakan ay bibigyan naman ng P50,000 bawat isa.

Bukod sa financial assistance, nag-alok din ang Makati government ng college scholarship sa University of Makati nito para sa mga anak ng namatay na SAF personnel.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“We are opening the doors of the University of Makati to the children who have lost their father, especially those who are about to graduate from high school or are in college but may be hard up because of financial constraints,” dugtong nito.

Ang University of Makati ay unang unibersidad ng lokal sa bansa na ISO-certified matapos makuha ang ISO 9001:2008 certification. Nag-aalok ito ng mga kurso sa ilalim ng sampung kolehiyo kabilang ang Arts and Sciences, Allied Health Studies, Business Administration, Education at Technology Management.

Noong 2013, namahagi ang Makati government ng full scholarship sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng Makati Consortium for Educational Scholars (MACES) ng University of Makati. Sa ngayon, may naka-enroll na sampung full scholar sa ilalim ng nasabing programa.