Arnel Ignacio

KUNG meron mang kapwa gays na pabor sa same-sex marriage ay hindi sang-ayon sa bagay na ito ang TV host-comedian na si Arnell Ignacio. Pero nilinaw niyang hindi naman siya against sa pagpapakasal ng dalawang magkaparehang kasarian, huh!

Sa sariling pananaw ni Arnell, mas magandang ipaubaya na lang ang pagpapakasal sa babae at sa lalaki.

“Personal ko na pong opinyon ito, unang-una dahil kasal ako. Tama na ‘yung seremonyas na lang ang i-enjoy ng same sex. Kapag nilagyan pa yan ng mga legal aspect, eh, parang ang hirap i-solve pa,” sey ni Arnel na nagbabalik-telebisyon via Solved Na Solved ng TV5. 

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Kasal si Arnell last 2004 kay Frannie at binayayaan sila ng isang anak na babae. Pero after 12 years na pagsasama ay nagkahiwalay sila. After niyang masubukang ikasal sa babae, wala ba sa balak niya na magpakasal naman sa lalaki? 

“Naku,  hindi! Sa kapwa ko lalaki? Ayoko, hindi p’wede ‘yan. I mean, kunyari, lalagyan na natin ng legality, ayoko talaga. Paano kung ayaw ko na, eh, di mahirap,” sey ni Arnelli. 

Pero ipinaliwanag ni Arnell na wala siyang karapatang manghusga sa iba namang salungat sa opinyon niya. 

“Like yung kina Aiza Seguerra at Liza Diño, ‘nirerespeto ko yun, seremonyas yun. “Well, ang sarap talaga kapag seremonyas yung kasal mo. “We have to give them that, we have to respect their decision,”sey pa ng TV host at komedyante. 

So, may posibilidad na magpakasal siyang muli sa isang babae? 

“Naku, hindi na rin, na-trauma na ako diyan. Masaya na ako sa nag-iisang babae sa buhay ko ang anak kong si Sofia. Kaya nga hindi ko na kailangang maghanap pa ng iba. Happy na ako ng ganito, hindi ko na iniisip pa na magpakasal ulit sa isang babae,” mariing pahayag pa ni Arnell.