Michael-Buble

HINDI matatawaran ang epekto ng social media katulad ng Facebook, Instagram, o Twitter sa pagpapalaganap ng mga impormasyon o mga bagay na kailangang magbukas sa isipan ng mga tao.

Dumating sa bansa si Michael Buble noong Biyernes, Enero 30, 2015 na agad pinagbigyan ang imbitasyon ni Kris Aquino upang mag-guest sa Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN. Nabanggit ng Queen of All Media sa multiple Grammy-winning singer ang tungkol sa malungkot na nangyari sa bansa at sinabing ang mga awitin nito ay maaaring makatulong para makapagpalakas ng loob sa bansang nilulunod ng kalungkutan ngayon.

Inamin ni Michael Buble na hindi siya masyadong mahilig sa politics o relihiyon. Pero noong Sabado, Enero 31, 2015 nang muling mapanood ang crooner sa soldout concert sa Mall of Asia Arena, habang nagluluksa ang buong bansa dahil sa pagkamatay ng 44 na Special Action Forces (SAF) commandos sa pakikipagbakbakan sa Mamasapano, Maguindanao, ipinaramdam niya sa mga nanonood na kasama siya ng mga Pilipino sa paglaban sa kalungkutan, sa kadahilanang isa umano ang mga Pilipino sa nasa likod ng kanyang pagiging matagumpay ngayon.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Ikinuwento niya na malaki ang bahagi ng mga Pilipino sa puso at tagumpay niya sa music industry. Ayon sa kanya, noong 25 years-old pa lamang siya ay nakatanggap siya ng isang importanteng tawag mula sa isang South African agent sa nagngangalang Dion Singer na curious sa sobrang kasikatan ng Canadian singer sa Pilipinas.

“You guys were the ones who made me,” aniya sa fans na humihiyaw at nagpapalakpakan sa kanya. “I practice being thankful for you. Because without you, my life would have been completely different. What you did changed my family’s life,” sabi ng singer.

Sinabi rin niya na maaari ring angkinin ng Pilipinas ang kantang Home bilang simbolo ng kanyang pasasalamat para sa bansa na nagbukas ng napakaraming pinto para sa kanya.

Sinigurado ng multi-awarded singer na masulit ang ibinayad ng mga Pinoy sa kanyang 2-hour concert sa pagawit niya ng halos 25 awitin kasama ang Team Buble Band Naturally 7 na nag-front act. Tinupad din niya ang kanyang ipinangako na ang concert na ito sa Pilipinas ang pinakamagandang concert matapos ang huling concert niya sa bansa sampung taon na ang nakararaan.

Ang ilan sa mga kanta na pinalakpakan nang husto ng mga manonood ay ang Fever, Haven’t Met You Yet, Everything, To Love Somebody, at All You Need Is Love. Nakatakda naman ang sunod na concert ng Canadian crooner sa South Korea bilang bahagi ng kanyang ongoing world tour.