LeBron James, JaKarr Sampson

CLEVELAND (AP)- Umiskor si Kyrie Irving ng 24 puntos, habang nag-ambag si LeBron James ng 18 puntos at 11 assists upang ibigay sa Cleveland Cavaliers ang kanilang ika-ll sunod na panalo, 97-84, kontra sa Philadelphia 76ers kahapon.

Ang winning streak ang siyang kasalukuyang pinakamahaba ng Cleveland matapos ang itinarak na 13 sunod, ang franchise record noong 2010, ang huling season ni James makaraang lumipat ng ibang club. Nagkaroon ang Cavs ng problema upang itaboy ang mga batang Sixers, na sad yang ginawa nila ang lahat upang patuloy na makalapit sa kalaban subalit kinapos sila sa firepower upang hadlangan sina Irving, James at isa sa pinakamainit na koponan ngayon sa NBA.

Umentra ang Atlanta sa linggong ito na taglay ang 19-9ame win streak.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Nagdagdag si Kevin Love ng 15 rebounds habang naisakatuparan ni Matthew Dellavedova ang tatlong clutch 3-pointers sa fourth quarter upang tulungan ang Cays sa magandang posisyon.

NETS 102 CLIPPERS 100

NEW YORK (AP)- Naisakatuparan ni Jarrett Jack ang tie-breaking jumper sa nalalabing 1.3 segundo habang nagsagawa ang Brooklyn Nets ng huling paghahabol upang pataubin ang ang Los Angeles Clippers, 102-100, kahapon.

Tinapos ng Nets ang seven-game home losing streak matapos burahin ang nine-point deficit sa huling 1:35, nakakuha ng dalawang 3-pointers kay Alan Anderson, isa sa four-point play, isa kay Joe Johnson at isa pa kay Deron Williams sa kanyang pagbabalik mula sa ll-game absence.

Umasa ang koponan kay Jack sa kanilang huling possession matapos na maitabla ni Chris Paul ang iskor sa 100, may 8.6 segundo pa sa orasan. Itinakbo ni Jack ang bola kung saan ay nagsagawa ito ng nakalululang jumper sa harap ni 6-foot-11 center DeAndre Jordan, pumalit upang magbantay sa kanya.

Umiskor si Brook Lopez ng 24 puntos habang nagposte si Johnson ng 22 para sa Nets, tinapyas ang overall four-game skid at nagwagi sa sariling pamamahay sa unang pagkakataon makaraang talunin ang Sacramento noong Disyembre 29.

Tumapos si Jordan na may 22 puntos, 20 rebounds at isinagawa ang dalawang free throws sa 12 pagtatangka para sa Clippers. Nagtala si Paul ng 20 puntos, 8 rebounds at 8 assists.

Naikasa lamang ng Clippers ang 8-of-25 (32 percent) mula sa free throw line at sumadsad sila ngayon sa kanilang ikapitong sunod na road game kontra sa Nets, ang losing streak sa nagdaang pitong taon at sa dalawang states. Tinipa ni Jamal Crawford ang 18 puntos ngunit taglay lamang ang 7-for-22 mula sa field

Tinalo ng Clippers ang Brooklyn na rna yroong 39 kalamangan sa Los Angeles noong nakaraang buwan at lumabas na sapat na upang pagwagian, sa pagkakataon na ito, ang kanilang laro nang ang basket ni Matt Barnes ay pumas ok tungo sa 96-87, may 1:46 pa sa orasan. Subalit 'di nila nasunggaban ang rebound nang magmintis si Johnson sa kanyang dalawang free throws, ngunit nang matapik ang bola sa kanya ay kagyat na inasinta nita ang 3s patungo sa 98-96 paglapit bago naman naisakatuparan ni Anderson ang 3s mula sa corner, bukod pa sa foul, na nagdala sa Nets sa unahan, 100-98.

Dalawang gabi matapos ang impresibong panalo sa San Antonio, bumagsak ang Clippers sa 2-2 sa kanilang eight-game trip. Sumadsad sila sa pitong sunod na pagbisita sa Nets simula pa noong Disyembre 11,2007.

Naging maganda ang panimula ni Williams nang pumasok siya sa korte sa unang quarter, ang kanyang unang aksiyon simula ng mapinsala ang kanyang cartilage sa tadyang noong Enero 7. Naglista ito ng 15 puntos.