Isang dating opisyal ng Caloocan City ang nahaharap sa patung-patong na kaso makaraang pasukin ang isang tanggapan sa Caloocan City Hall-North at pagsisirain ang mga litrato nina Mayor Oscar Malapitan at Vice Mayor Macario Asistio III na nakadikit sa pader.

Ayon kay Engr. Jay Bernardo, officer-in-charge ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), dakong 8:45 ng gabi nitong Linggo nang paulit-ulit umanong kalampagin ng isang Erwin Cruz, dating officer-in-charge sa City Hall North, ang pintuan ng local rescue office sa unang palapag ng City Hall North.

Sinabi ng kawaning si Julie Alvis na natakot siya sa kalampagan kaya hindi niya binuksan ang pinto, pero tuluyan itong nabuksan ni Cruz, na nangangamoy alak umano.

Pagpasok, nagtanong umano si Cruz: “Sino boss n’yo?” na sinagot ni Alvis ng: “Wala po rito.”

National

Ikalawang impeachment complaint vs VP Sara, ieendorso ng Makabayan Bloc

Agad na umanong nilapitan ni Cruz ang mga litrato nina Malapitan at Asistio sa pader at sinabi, “Akin na ‘to. Idol ko ‘to, eh,” bago ibinulsa ang mga pinunit na larawan.

Pagkatapos, lumipat umano ang suspek sa Tricycle and Pedicab Regulatory Services, kumatok sa pinto at nang pagbuksan ay itinanong din kung nasaan ang boss, na nang sabihing wala ay agad na umalis.