HAVANA (AFP)— Inilabas ng Cuban state media ang mga unang litrato ni dating president Fidel Castro sa loob ng anim na buwan noong Lunes ng gabi upang patahimikin ang mga espekulasyon na humihina na ang kanyang kalusugan.

Ipinakikita ng mga imahe ang 88-anyos na si Castro sa kanyang bahay kasama ang asawang si Dalia habang nakikipagpulong sa lider ng isang students’ union, at inilathala ito sa pahayagan ng estado, ang Granma, at iba pang official media.

Nakasaad sa artikulong kasama ng litrato na naganap ang pagpupulong noong Enero 23.

Inilabas ang mga litrato matapos ang ilang linggong haka-haka at pangamba sa kalusugan ng Cuban revolutionary leader matapos tila maglaho siya sa mata ng publiko simula noong Agosto

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'