Ipinawalang-sala kahapon sa kasong two counts of electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Benjamin Abalos Sr. na isinangkot sa dayaan noong 2007 elections sa North Cotabato.

Dakong 1:30 ng hapon binasahan ng sakdal si Abalos sa sala ni Pasay RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas at pinawalang sala ang dating pinuno ng COMELEC.

Binigyang-diin ni Mupas sa walong pahinang resolusyon ng korte na walang naganap na sabwatan na nangyari sa pagitan nina Abalos at dating North aCotabato Election Supervisor Atty. Yogie Martirizar na umano’y inutusan ng dating COMELEC chairman upang siguruhin ang panalo ng Team Unity ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Noong Hulyo 2012, inalis ni Mupas bilang akusado at ginawang testigo ng gobyerno si Martirizar kaugnay sa electoral fraud nang paboran ng korte ang apat na pahinang petisyon ng Department of Justice (DOJ).

Rep. Chua, itinangging naungkat ang 'impeachment' sa kanilang fellowship sa Malacañang

Mariing tinutulan ito ni Abalos dahil tumutukoy kay Martirizar ang lahat ng ebidensiya sa umano’y naganap na dayaan at pinaka-guilty sa kaso.

Unang pinawalang-sala ni Pasay RTC Branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz si Abalos para sa kasong 11 counts electoral sabotage na isinampa din ng Comelec kaugnay sa dayaan naman sa South Cotobato noong 2007 election.

Una nang pinayagan ni Dela Cruz si Abalos na magpiyansa ng P2.2 milyon para sa lahat ng kasong kinahaharap nito kaugnay sa naganap na dayaan sa eleksiyon.