GOTO

TOKYO (AP) – Sindak at gigil na kinondena ng Japan at ng iba pang bansa kahapon ang pagpugot ng grupong Islamic State kay Kenji Goto, ang mamamahayag na binihag habang iniuulat ang kaawa-awang kalagayan ng mga refugee, mga bata at iba pang biktima ng digmaan sa Syria.

Ang kabiguang mailigtas ang buhay ni Goto, 47, ay nagpatindi sa pangamba para sa buhay ng isang Jordanian fighter pilot na bihag din ng grupo. Gayunman, hindi gaya ng mga naunang mensahe, ang video ng pagpugot ng IS kay Goto na kumalat sa social media noong Sabado ng gabi, ay hindi nagbanggit ng tungkol sa piloto.

“I am extremely angry about these heinous and despicable terrorist acts. We will never forgive terrorists,” sinabi ni Japanese Pm Shinzo Abe sa mga mamamahayag. “We will cooperate with the international community to make them atone for their crimes.”
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’