Beige

ITINUTURING ni Beige na malaking suwerte ang pagkakapasok niya sa Eat Bulaga bilang isa sa mga miyembro ng sumisikat na Six Bomb.

Sila ang grupo ng mga “chubby but sexy” na kumakanta at sumasayaw sa “Laban o Bawi” ng longest-running noontime show sa Pilipinas. Noong isang taon, nagkaroon ng pa-contest ang Eat Bulaga para sa mga chubby but sexy ladies at isa si Beige sa naunang candidates. Hindi man siya nakasali sa finalists dahil umabot lang siya sa Wild Card, masuwerte pa rin siyang napili sa mga sumailalim sa VTR at audition ng noontime show para sa gagawing grupo na regular na mapapanood.

“Kaya tuwang-tuwa ako noong tawagan ako ng PA at sabihing kinakailangan kong magreport agad-agad, and the rest is history,” kuwento ni Beige.

National

Hontiveros, binuweltahan ‘budol’ remark ni Villanueva hinggil sa Adolescent Pregnancy Bill

Hindi matatawaran ang mga miyembro ng Six Bomb kung educational background ang pag-uusapan dahil lahat sila ay well-educated at galing sa magagandang unibersidad.

Si Beige ay produkto ng St. Paul Univeristy at kumuha ng kursong mass communication. Nagtapos naman siya ang elementary at high school sa St. Paul Island Park.

Bukod sa kanyang stint sa Eat Bulaga, ipinagpatuloy ni Beige ang pagtanggap ng gigs sa iba’t ibang bar sa Metro Manila. Hindi lamang pagsayaw o pagkanta ang talenta niya, marunong din siyang tumugtog ng gitara. Left-handed lady si Beige kaya tulad ni Paul McCartneyt ay naggigitara siya with her left hand.

Dahil nakapasok na si Beige sa showbiz, gusto niyang ituloy ang kanyang first love, ang pag-compose ng mga kanta na plano niyang isali sa competition.

“Sana nga po ay magtuluy-tuloy na ang suwerte ko sa showbiz at natutuwa ako na kahit papaano ay mayroon na ring nakakapansin sa talento ko at pati na rin ng iba pang Six Bomb,” dagdag pa niya.