Hangad ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na magkaroon ng foreign Grandmaster coach upang mas mapa-angat ang ranking ng mga manlalaro at tsansang magwagi sa mga internasyonal na torneo na tulad ng Inter-Zonal at World Olympiad.

Ito ang sinabi ni dating Surigao Congressman at NCFP president Prospero Pichay sa pagbubukas ng 2015 National Schools and Youth Championships (NSYC) kung saan ay pangunahing prayoridad nito na mapalakas ang grassroots program habang nakatuon sa lalong pagpapaigting sa mga miyembro ng pambansang koponan.

“Ang observation ng foreign GM’s sa atin ay very talented ang mga Pilipino pero ang defect ng players natin ay weakness ang opening. They want all our young players to learn the foundation of a good opening at kung matututo sa middle game ay malaki na ang tsansa na manalo,” pahayag ni Pichay.

Dahil hindi isinali ang chess sa gaganaping 28th Southeast Asian Games sa Singapore, nagdesisyon ang NCFP na sanayin ang elite team sa pagkuha ng foreign coach at sanayin ang maraming local coach.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

“We will continue to hold international tournament, expose our players against foreign rivals and probably earn GM norms for the kids. Our reasons kasi ay hindi ma-experience ng mga player natin ang laro ng mga kalaban kaya naninibago sila kapag nasa competition na,” giit pa ni Pichay.

“We want them to learn strategy like the Chinese players, positional sila and then kapag nainis ka, saka sila aatake. We will be sending our elite athletes to Europe to matchup with high ranking players dahil sa ganoon natuto talaga ng mga moves si Wesley,” dagdag pa nito.

“As a priority sports, gusto ko talaga na mag-champion ang Pilipinas sa international tournament. We want also to be kahit in the Top 20 sa Olympiad. We it will be hard dahil wala na si Wes but we will not stop in reaching new heights,” saad pa nito.

Ipinaliwanag naman ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales na matagal nang plano ng asosasyon ang pagkuha sa foreign coach upang lalong maturuan ang lokal na mga coach at maipromote ang chess sa pinakamalawak na parte ng bansa.

“Matagal na nating plano iyan kaso kapos lagi sa funding. Now na isa kami sa priority sports, we can request para sa 6 months na pag-hire ng foreign coach para may transfer of technology and train the coaches then teach it in all of our grassroots program,” sinabi ni Gonzales.

Mayroon namang kabuuang 50 eskuwelahan at 140 kalahok ang sumali sa unang torneo ngayong 2015 na isinasagawa sa PSC Athletes Dining Hall.