Nakamit ng archrivals De La Salle University (DLSU) at Ateneo de Manila University (ADMU) ang 1-2 posisyon sa team standings makaraang manaig sa kanilang mga katunggali sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 77 men’s football tournament sa FEU-Diliman pitch.

Nagtala ng goal si Christian Zubiri makaraan ang pasa ni Nate Alquiros sa 10th minute upang pataubin ng Green Booters ang University of Santo Tomas (UST), 1-0, habang ginapi naman ng Blue Eagles ang University of the East (UE), 1-0, sa pamamagitan ni Mikko Mabanag na umiskor ng goal sa 19th minute.

Dahil sa panalo, mayroon nang natipon na 19 puntos ang La Salle upang mapasakamay ang pangingibabaw sa team standings, may isang puntos na kalamangan sa Ateneo na nakalikom naman ng 18 puntos.

Bumuntot sa kanila ang University of the Philippines (UP) na mayroong 17 puntos.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Naging mahigpit ang ikalawang pagtatagpo ng La Salle at UST dahil kapwa nila tinapos ang laro na mayroon lamang na tig-10 manlalaro sa loob ng field.

Unang nabawasan ang La Salle nang mapatalsik si Jhoquev Ybanez sa 6th minute makaraang suntukin nito ang isang UST defender bago sumunod ang UST sa 62nd minute nang mabigyan ng kanyang ikalawang yellow card ang team skipper na si Gino Clarino.

Bunga sa kanilang kabiguan, lumamlam naman ang tsansa ng Tigers na makausad sa Final Four sa hawak nito na 9 puntos, 5 puntos ang pagkakaiwan sa pumang-apat na Far Eastern University (FEU) at National University (NU) na may tig-14 puntos.

Samantala, pormal nang nagpaalam sa kanilang tsansang makaakyat pa sa Final Four ang UE na inokupahan ang ikapitong spot na taglay ang 4 puntos.