Bumagal ang economic growth ng Pilipinas ng 6.1 porsiyento noong nakaraang taon, dahil sa mga kalamidad, ngunit nangunguna pa rin sa iba pang bansa sa Asia.

Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong Huwebes na ang 2014 performance ay iniranggo ang Pilipinas bilang second fastest growing Asian country sa likod ng China, na nagtala ang 7.3 porsiyentong paglago, at nauna sa Vietnam na mayroong 6.0 porsiyento.

Malago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7.2 porsiyento noong 2013.

Sinabi ni National Statistician Lisa Bersales na ang “robust performance” ng industriya, partikular sa manufacturing at construction, ang nagsulong ng paglago sa fourth quarter sa 6.9 porsiyento mula sa 6.3 porsiyento noong nakaraang taon.

National

‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA

Sinabi niyang nag-ambag ang services ng 3.4 percentage points, industry 2.5 percentage points at agriculture 0.2 percentage points sa 2014 GDP growth na 6.1 porsiyento.