Makakuha ng puwang at umukit ng kanyang sariling pangalan sa makulay na mundo ng basketball sa Pilipinas.
Ito ang hangad ng 30-anyos na Filipino-Australian na si Dale Hodges, may taas na 6-foot-0 at nag-aambisyon na maging bahagi ng unang play-for-pay league sa buong Asia- ang PBA.
Binabalak ni Hodges, isang law graduate sa University of Canberra, na lumahok sa darating na PBA annual draft na gaganapin sa Agosto.
Bagamat nagtapos ng kursong abogasya, higit na matimbang ngayon para kay Hodges, na may dugong Filipino at ang ina na si Esmeralda Caranay na tubong Mabalacat, Pampanga, ang kanyang matagal na ambisyon na makapaglaro ng basketball.
``He told me that was really his ultimate dream, to play basketball and his parents are very supportive of his dream,`` ayon sa agent ni Hodges na isa ring baguhan sa industriya na si Jun Abrazaldo.
Ayon pa kay Abrazaldo, matagal nang nagpabalik-balik ng Pilipinas si Hodges ngunit hindi nito matagpuan ang tamang taong makatutulong sa kanya na matupad ang kanyang pangarap.
“I enjoy the culture here in the Philippines and it’s a good challenge to play basketball here,” ani Hodges na umaming nagustuhan na rin niya na manirahan dito sa bansa. “Back in Australia, there are not that much basketball leagues in college and there, they only play irregularly unlike in the Philippines where there are regular college leagues.”
Magmula nang dumating siya sa bansa noong nakaraang taon, nagsimula na si Hodges na pag-aralang mabuti at magamayan ang istilo ng basketball na nilalaro ng mga Pinoy.
Katunayan, personal siyang nagpapaturo at nagsasanay sa ilalim ng dating PBA star at UAAP standout na si Ren-Ren Ritualo.
Marami na rin siyang napanood na mga laro, kabilang na ang Game 3, Game 5 at Game 7 sa nakaraang PBA Philippine Cup finals sa pagitan ng Alaska at San Miguel kung saan naglalaro ang kanyang idolo at kapwa Kapampangan na si Arwind Santos.
Napanood din niya ang nakaraang laban ng Hapee at Cagayan Valley sa PBA D-League kung saan ay nakita niya ang matinding pisikalidad ng Pinoy sa basketball na aniya`y nakahanda niyang suungin.
“Philippine basketball is faster and there is a lot of crowd support,” pahayag ni Hodges. “There is a lot of competition and even most of my relatives, who are from Pampanga, love watching the game.``
Kanila nang inaasahan na magpapa-draft din sa taong ito ang ilang mga mahusay na manlalaro na tulad nina Moala Tautuaa, Garvo Lanete at Rayray Parks at hindi naman umano magpapahuli si Hodges sa mga ito, ayon kay Abrazaldo.
``He`s a good shooter, he`s now working on his ball handling at pinakamaganda sa kanya ‘yung attitude,`` ani Abrazaldo.
“I need to be in good physical condition first but I’m ready to take on the challenge. I could prepare more. I’ll try my best to be competitive and I’ll just put my best foot forward,” ayon naman kay Hodges.