Tumindi pa ang lamig na naranasan kahapon sa Metro Manila, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).

Dakong 6:20 ng umaga nang maramdaman ang 18.1 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City, mas mababa kumpara sa 18.5 degrees Celsius na naitala noong Lunes ng umaga.

Sinabi ni weather forecaster Cris Perez, naitala rin ang 14.2 degrees Celsius na klima sa Baguio City kahapon ng umaga ngunit mas malamig pa rin ang naranasanan sa nasabing lungsod nang maitala ang 10.4 degrees Celsius noong nakalipas na Enero 24.

Huling naitala ang pinakamalamig na klima sa Port Area, Manila nang maramdaman ang 14.5 degrees Celsius noong Enero 11, 1914.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa ahensya, ang peak ng Amihan kung kailan naitatala ang pinakamalamig na klima ay ngayong huling dalawang linggo ng Enero hanggang unang dalawang linggo ng Pebrero kung kailan inaasahan pa rin ang mas mababang temperatura sa susunod na linggo.