BEIRUT/ISTANBUL (Reuters) – Nabawi ng puwersang Kurdish ang kontrol sa bayan ng Kobani, Syria noong Lunes matapos mapaurong ang mga mandirigmang Islamic State, sinabi ng isang monitoring group at ng Syrian state media, ngunit ayon sa Washington ay hindi pa tapos ang apat na buwang digmaan.
Inatake ng militanteng Islamist ang bayan ng mga Kurdish noong nakaraang taon, armado ng malalakas na armas na naagaw sa Iraq at napilitang lumikas ang libu-libong residente.
“People are dancing and singing, there are fireworks. Everyone feels a huge sense of relief,” sinabi sa telepono ni Tevfik Kanat, isang Turkish Kurd na sumugod sa hangganan kasama ng libu-libo pang refugee mula Kobani matapos mabalitaan ang tagumpay.