Xian-Lim-copy (1)

HINDI man diretsahang naipaliwanang ni Xian Lim ang pagkatanggal niya sa Bridges, inamin naman niya na nang mabasa niya ang script ng naturang ABS-CBN project ay agad niyang naisip na mas bagay kay Paulo Avelino ang role na unang inialok kay John Lloyd Cruz pero napunta nga sa kanya.

“Nang mabasa ko ang script, eh, mas bagay talaga kay Paulo ang role. Good thing naman, eh, ibinalik ng Dos ang tambalang KimXi,” paiwas na sagot ni Kian sa ipinatawag na prescon ng Paddington. 

Nawala man sa kanya ang Bridges ay marami naman ang nagsasabi na higit na bongga ang kapalit na proyekto niya tulad nga ng Paddington. Mas kakabugin niya ang ilan sa mga kapwa niya aktor sa Dos sa first project niya sa taong ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Siya lang naman ang napiling official voice sa pelikula ng sikat na sikat na bear mula sa United Kingdon, huh! Ang naturang proyekto ay produced ni David Heyman na siya ring producer ng Harry Potter at siya ring pumili kay Xian. Kaya sa pagpapalabas ng Paddington dito sa Pilipinas ay ang boses ni Xian ang maririnig.

“Nakaka-enjoy. A different experience. Iba ‘yung pakiramdam,” excited na pahayag ng actor.

Ayon pa sa actor, first time na gagamitin ang boses niya sa animated character pero with flying colors ay nagawa niya.

“When they presented the project to me, they asked if I would rather have a British accent or an American accent. We just added a touch of British.

“May coach provided and nagulat ang coach. Akala niya nakapag-dub na ako ng maraming beses dahil madali kong nasundan, it takes a bit of practice rin,” sabi ni Xian. 

Mapapanood sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang pelikulang Paddington simula sa February 11. Ang Captive Cinema ang local distributor nito.

Hindi nag-audition si Xian. Nakita siya ng local distributor at ipina-approve sa producer ng pelikula at wala silang naging objection sa boses ng aktor. Si Xian ang mas ginusto ng producer kaysa dalawang kilala at kasamahang aktor ng Dos na talagang nangarap na masungkit ang naturang proyekto.